Obispo sa gobyerno: Iklian ang curfew para sa Simbang Gabi

Obispo sa gobyerno: Iklian ang curfew para sa Simbang Gabi

October 18, 2020 @ 12:27 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinihimok ng Simbahang Katoliko ang pamahalaan na iksian ang curfew upang magkaroon ng mas maraming misa para sa Simbang Gabi na magsisimula sa Disyembre 16.

“Damihan yung misa para magkaroon ng physical distancing. Kung marami ang misa, kakalat ang tao,” ayon kay Manila Bishop Broderick Pabillo sa isang panayam ng TeleRadyo.

Umaapela ito na gawing 3:00 ng umaga mula sa 5:00 ng umaga ang curfew.

“Pwede kami magmisa ng alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga para ma-spread out yung mga tao,” giit ng obispo.

Hinimok din nito ang pamahalaan na payagan na ang 30 porsyento ng kapasidad ng mga simbahan.

“Yung Undas naman, pakiusap namin sa mga tao, magsimba sila sa Nov. 1 and Nov. 2… Pwede sila magsimba, dadamihan namin ang misa sa simbahan,” saad ni Bishop Pabillo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...