Obrero arestado sa P3.4M shabu

Obrero arestado sa P3.4M shabu

March 9, 2023 @ 12:25 PM 3 weeks ago


BACOOR, Cavite – ARESTADO ang isang construction worker na isang high value target matapos nakumpiskahan ng higit sa P3.4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad nitong Martes, Marso 7 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Abobakar Balaiman y Salangani alias Datu, 43, at residente ng Barangay Panapaan 6, Bacoor City, Cavite.

Sa pinagsamang operasyon ng Bacoor City Police Station, PDEA Cavite Provincial Office at PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team, dakong 3:40 ng hapon nang madakip ang suspek sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Nakuha sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu at aabot sa halagang P3,450,000.

Sinabi pa ng pulisya na si Balaiman ay “high-value” drug trafficker.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II of the Republic Act No 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. Mary Anne Sapico