Obrero arestado sa shabu, gun replica at mga bala sa Valenzuela

Obrero arestado sa shabu, gun replica at mga bala sa Valenzuela

January 16, 2023 @ 3:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang bagsak ng isang construction worker matapos makuhanan ng shabu, gun ripleca at mga bala makaraang takbuhan ang mga sumitang pulis dahil sa pag-iinuman sa kalye sa Valenzuela City.

Kinilala ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Sub-Station 2 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Osias Patenia, 41 ng Blk 3 Lot 216 Southville 8C San Isidro, Rodriguez Rizal.

Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng anti criminality operation ang mga tauhan ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Major Llanderal, Ground Commander nang ma-chance upon nila ang suspek at mga kasama nito na nag-iinuman sa kahabaan ng Sitio Cabatuan Compound 2, Brgy. Gen T De Leon na malinaw na paglabag sa ipinapatupad na city ordinance ng lungsod.

Nang sitahin at lapitan ng mga pulis para isyuhan ng ordinance violation receipt ay itinulak ng suspek ang parak saka tumakbo para tumakas.

Hinabol siya nina PCpl Kenneth Dinong at PCpl Michael Estacion hanggang sa maaresto at nakumpiska sa kanya ang isang army sling bag na naglalaman ng dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P3,400 ang halaga, 20 pirasong bala ng M16, isang bala ng cal. 45, isang magazine ng M16, gun replica at unified ID.

Mahaharap ang suspek sa kasong pagkabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II, RA 9165, RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammnunitions) and Art. 151 of RPC (Resistance and Disobedience to an Agent of Such Person). R.A Marquez