Obrero arestado sa shabu na pinanggamot sa lagnat

Obrero arestado sa shabu na pinanggamot sa lagnat

January 27, 2023 @ 9:22 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang construction worker makaraan itong madakip sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Sauyo, Quezon City kaninang madaling araw. Enero 26.

Sa ulat ni PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa kinilala ang dinakip na si Ericson Baculi, alyas Nognog, 29, binata ng Roa 160 Lagkitan Street, Brgy. Sauyo, QC.

Ayon kay PCpl. Neil Christian Fresco investigator nadakip ang suspek dakong 2:40 ng madaling araw nitong Biyernes sa Kapitan Basketball court sa kahabaan ng Sauyo Road, Brgy. Sauyo, QC.

Sinabi ni Fresco na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa kahabaan ng Sauyo Road, Brgy. Sauyo, laban sa suspek na si Nognog matapos makatanggap ng ulat dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal na droga.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer ng illegal na droga sa suspek na si Nognog ng halagang P300.00 pesos.

Matapos iabot ng suspek ang isang piraso ng maliit na heat sealed plastic sachet na hinihinalang shabu kay Cpl. Ryan Cayubit agad dinakip ang nabiglang suspek na hindi na nakapalag pa.

Nang tanungin ng mga pulis ang suspek kung saan galing ang kanyang illegal na droga, sinabi nya na nilalagnat siya at masama ang kanyang pakiramdam kung kaya’t gagamitin niya ito bilang gamot.

Nakuha sa suspek ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,000.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong illegal drugs. Santi Celario