Obrero hinataw sa ulo dahil sa mikropono

Obrero hinataw sa ulo dahil sa mikropono

July 12, 2022 @ 11:58 AM 4 weeks ago


MINGLANILLA, Cebu City- SUGAT sa ulo at balikat ang tinamo ng isang construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang pinsan makaraan mang-agaw ng mikropono ang una Linggo sa bayang ito.

Nilapatan ng lunas sa ospital si Romel Alcansado Cansana, 32, binata, construction worker, residente ng Purok 2, Sitio Bayong, Barangay Cadulawan, Minglanilla.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Joseph Cuda Espinosa, 35, alyas ‘Kasag’, driver ng habal habal, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Minglanilla Police Station, dakong 7:20 PM naganap ang insidente sa isang birthday party sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakasiyahan ang suspek sa birthday party ng kanilang rin pinsan na si Mario Cuda, 37, driver ng habal habal .

Habang nasa gitna ng inuman kasama ang iba pang bisita na kumakanta sa videoke ng biglang dumating si Rommel at inagawa ng mikropono sa bisitang kumakanta.

Nainis ang suspek at umalis ito sa nag-iinuman at sa kanyang pagbalik ay may dala ng kutsilyo saka pinagsasaksak ang biktima na tinamaan sa noo at balikat.

Matapos ang insidente tumakas ang suspek habang dinala naman sa ospital ang biktima at nilapatan ng lunas.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya at nadakip ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong attempted murder./Mary Anne Sapico