Obrero isinelda sa pangmomolestiya sa dalagita sa Navotas

Obrero isinelda sa pangmomolestiya sa dalagita sa Navotas

September 25, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang obrero matapos i-reklamo ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad na babae sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciousness in Relation to RA 7610 ang suspek na kinilala bilang si John Lowel Bentor, 22 ng Bicol Area, Tanza II, Navotas City.

Sa report ni PSMS Felbie Lim Puda kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9:30 ng gabi, nagtungo ang biktima na itinago sa pangalang “Katya” at kanyang boyfriend sa kalapit na tindahan sa kanilang lugar para bumili ng crackers.

Habang nasa tindahan ay hinawakan at pinisil-isil umano ng suspek ang puwit ng biktima na sinabi naman ng dalagita sa kanyang boyfriend ang pangyayari.

Humingi ng tulong ang biktima at boyfriend nito sa mga tanod at mga tauhan ng Sub-Station 1 ng Navotas police na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek. Boysan Buenaventura