Obrero kalaboso sa bato

Obrero kalaboso sa bato

March 17, 2023 @ 5:30 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang construction worker makaraan itong mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Baesa, Quezon City kahapon ng madaling araw, Marso 16.

Kinilala ni PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa ang nadakip na suspek na si Francis Joves alayas Sam, 45, binata, construction ng no. 17 Virginia Drive, Jordan Valley Village, Brgy.Baesa, QC.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa naturang lugar sa pangunguna ni Capt. Elvin Olmedillo matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Nabatid pa sa ulat na isang pulis na si PSsg. Mark Francis Lim ang nagpanggap na bibili ng shabu sa suspek ng halagang P200.

Matapos iabot ng suspek ang droga sa pulis na nagpanggap na poseur buyer ay dito na dinakip ang suspek na hindi na nakapalag pa.

Nakuha mula rito ang may isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P 6,800.

Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario