Obrero kulong sa pagdalirot sa syotang may learning disability

Obrero kulong sa pagdalirot sa syotang may learning disability

June 5, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinelda ang isang laborer matapos dalhin sa kanilang bahay at pagsamantalahan ang kanyang 19-anyos na girlfriend na may learning disabilities sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8353 (Rape) ang suspek na kinilala bilang si Melvin Miranda, 28 ng Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Navotas Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD), nag-message ang suspek sa biktima na itinago sa pangalang “Lorena” sa pamamagitan ng facebook messenger para makipagkita sa kanya sa labas.

Nang magkita sila, dinala ng suspek sa kanilang bahay ang biktima dakong ala-1 ng madaling araw kung saan sinimulan halikan sa labi ng lalaki ang dalaga.

Kasunod nito, hinubaran din ng shorts ng suspek ang biktima hanggang sa tuluyan na umanong pinagsamantalahan ng lalaki ang dalaga.

Hinanap naman ng ina ng biktima ang kanyang sa pamamagitan ng Facebook post hanggang sa malaman niya na kasama ng suspek ang anak niya.

Humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga tanod ng Brgy. NBBS Proper saka pinuntahan nila ang bahay ng suspek kung saan kasama nga nito ang dalaga na naging dahilan upang arestuhin ang suspek. Boysan Buenaventura