Obrero na most wanted sa sexual assault, timbog sa Malabon

Obrero na most wanted sa sexual assault, timbog sa Malabon

March 6, 2023 @ 4:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kalaboso ang isang construction worker na listed bilang most wanted sa kasong sexual assault matapos madakip ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amanta Daro ang naarestong akusado bilang si Charito Sal, 53 ng Brgy. Piñabatan, Pulilan Bulacan.

Ayon kay Col. Daro, nakatanggap sila ng impormasyon na madalas umanong nakikita ang akusado sa Brgy. Catmon, Malabon City.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang tracker team at Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Jonas Gato ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sal dakong alas-9:00 ng gabi sa Valdez St. Barangay Catmon, Malabon City.

Si Sal ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa Sexual Assault under Par.2 of Art. 266-A of the RPC in Relation to Section 5(b) of R.A 7610 na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 73 (FC-4) Malabon City noong Oktubre 1, 2019 at may inirekomendang piyansa na P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Boysan Buenaventura