Obrero nakuryente patay

Obrero nakuryente patay

January 22, 2023 @ 4:02 PM 5 days ago


TACLOBAN CITY –Nagkikisay ng bumagsak mula sa bubong ang isang construction worker matapos dumikit sa live wire, kahapon, Enero 21 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Ariel Honrejas, 43-anyos, at residente ng Purok Guavano, Brgy. 3, Upper Nula Tula, Tacloban City.

Batay sa report ng Tacloban City-PNP, habang nasa trabaho ang biktima aksidenteng napadikit ito sa live-wire dahilan para nagkikisay at bumagsak sa lupa.

Agad naman tinulungan ng kanyang mga kasamahan ang biktima at dinala sa ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga. Mary Anne Sapico