Obrero patay sa sa banggaan

Obrero patay sa sa banggaan

May 28, 2021 @ 5:44 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Patay ang isang construction worker matapos na mabundol ng motorsiklo ang sinasakyan nitong bisekleta kaninang hapon sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni Traffic Sector Commander P/Major Manuel Delacruz Jr. ang namatay na si Mariano Cabrigas Jr., 56 anyos, nakatira sa RORC hunters Brgy Tatalon Q.C.

Nakilala naman ang suspek na si Peter John Santos, freelance agent, 26, residente ng No.41 RodriguesSudn. Dampalit Malabon.

Ayon kay PSSG Joel Aviso, may hawak ng kaso, dakong 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa intersection ng G, Araneta Avenue at Kalaraya St, Brgy tatalon Q.C.

Lumalabas na sakay ng bisikleta ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Kaliraya St. habang si Santos naman ay minamaneho nito ang isang Suzuki Motorcycle  nang salpukin niya si Cabrigas.

Sa lakas ng impak ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima sanhi upang agad siyang dalhin sa East Avenue Medical Center (EAMC) upang gamutin ang tinamong pinsala nito.

Dahil sa tindi ng sugat nito ay inilipat si Cabrigas sa Delos Santos Medical Center kung saan idineklarang itong dead on arrival bandang 3:30 ng hapon.

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imrpudence resulting to homicide. Jan Sinocruz