Obrero sa Malakanyang patay sa kuryente

Obrero sa Malakanyang patay sa kuryente

November 11, 2022 @ 12:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang 21-anyos na construction worker nang makuryente ito matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks sa loob ng Malacanang Park nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 10.

Kinilala ni PSMS Jason Ibasco, imbestigador ng MPD – Homicide Section ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto, binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Palasyo.

Sa imbestigasyon ni Ibasco, bumalik umano ang biktima sa construction site matapos silang magbreak-time nang biglang makuryente matapos mahawakan ang steel scaffolding.

Matapos ang insidente, isinugod ang biktim sa PSG Station Hospital ng kanyang kapatid ngunit hindi na ito naisalba pa.

Patuloy naming iniimbestigahan ang insidente habang hinihintay ang kanyang otopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden