Obrero tiklo sa bogang balak gamitin sa ‘di nagbayad ng droga

Obrero tiklo sa bogang balak gamitin sa ‘di nagbayad ng droga

October 18, 2022 @ 8:32 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang obrerong unang sinita dahil walang suot na helmet habang nakamotorsiklo nang makumpiskahan ng hindi lisensyadong baril na inamin umano ng suspek na gagamitin niya sa nang-estafa sa kanya sa transaksyon ng droga sa Valenzuela City.

Kalaboso si Mardonio C. Dequito, 49, ng Blk. 5 L13, Northville 1, Bignay, ng lungsod nang matimbog sa Oplan Galugad sa Casarival St., Northville 1, Brgy Bignay, Valenzuela noong Oktubre 15, 2022.

Nasamsam kay Dequito ang isang caliber 45 pistol Armscor na may buradong serial number, 25 bala at dalawang magazine ng nasabing kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ay inamin umano ng dinakip, na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na gagamitin niya sa nangloko sa kanya sa transaksyon ng droga ang nasabing baril. Merly Iral