Obrero tinarakan sa mukha ng kawalwalan

Obrero tinarakan sa mukha ng kawalwalan

May 24, 2022 @ 5:10 PM 1 month ago


BULACAN – Sugatan ang isang 26-anyos na construction worker matapos saksakin sa mukha ng katomang may ibang kaaway sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Benjamin Martinez,52 habang ang biktima ay sina John Jaime Morales,26 at Cesar Babida Jr,30 kapwa residente ng Brgy.Muzon.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang 4:00 ng hapon noong Linggo sa San Jose Del Monte Heights, Barangay Muzon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,habang nag-aabang si Morales sa kanyang asawa ay nagkita sila ni Babida na nakikipag-inuman ng mga oras na iyon kay Martinez.

Sa hindi inaasahan ay biglang nagalit si Martinez at sinuntok si Morales subalit hindi ito tumama.

Dahil hindi tumama,bumunot naman ito ng balisong hanggang sa undayan si Morales ngunit sumablay muli ito.

Sa kasamaang palad,tumama ang balisong sa kanang mukha ni Babida na agad isinugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte para sa paunang lunas.

Naaresto naman ang  suspek ng mga rumespondeng tanod na nahaharap sa kasong frustrated homicide habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.

Sinasabing ang suspek at ang biktima ay minsang nang nagharap sa kanilang barangay dahil sa kanilang alitan. Dick Mirasol III