Obrero todas sa sumabog na fire extinguisher

Obrero todas sa sumabog na fire extinguisher

March 3, 2023 @ 4:53 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na umabot pa sa pagamutan ang isang laborer matapos masabugan ng fire extinguisher sa pinapasukang trabaho sa Sta. Ana, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Emmanuel Boco, 21-anyos, nakatira sa Waling Waling Street, San Andres, Malate, ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa loob ng warehouse sa DFST Fire Protection Product Trading , habang naglalagay ng hangin ang biktima sa fire extinguisher.

Sa lakas ng impact nang pagsabog, tinamaan ang bitkima sa kaliwang dibdib dahilan para isugod ito sa Sta. Ana Hospital kung saan siya inabutan ng kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden