Obrerong nandakma ng ‘monay, mani’ ng dalaga, arestado

Obrerong nandakma ng ‘monay, mani’ ng dalaga, arestado

October 31, 2022 @ 2:40 PM 1 month ago


Bulacan- Arestado ang isang 46-anyos na binatang construction worker na umanoy nanghipo ng dibdib at ari ng 16-anyos na dalagang bibili ng tinapay sa bayan ng Bustos.

Kinilala ang suspek na si Joseph Delos Santos habang ang biktima ay itago sa pangalang “Daisy”, estudyante kapwa residente ng Brgy. Catacte.

Sa report ng Bustos police, nangyari ang insidente bandang alas-9:45 ng umaga nitong Oktubre 30 sa Brgy. Catacte.

Ayon sa report, bibili sana ng tinapay ang biktima nang lapitan ng suspek na hayuk na hayok umano hanggang sa dakmain ang dibdib at ari nito.

Nang makatakas at makauwi ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad naman nagsumbong sa mga tanod kaya nahuli ang suspek.

Kalaunan, isinuko naman ang suspek sa pulisya na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to R.A 7610 habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III