Occupancy permit renewal sa mga bahay, dapat tuwing 5 ‘gang 7 taon – Tolentino

Occupancy permit renewal sa mga bahay, dapat tuwing 5 ‘gang 7 taon – Tolentino

February 15, 2023 @ 4:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Francis Tolentino nitong Miyerkules, Pebrero 15 na dapat ay magkaroon ng renewal sa occupancy permit ng mga tirahan at gusali tuwing lima hanggang pitong taon.

Sa panayam ng ANC kay Tolentino, ipinaliwanag niya na sa pamamagitan nito ay masusuri ng building officials ang integridad ng istruktura.

“The occupancy permit should not be a lifetime permit. It has to be renewed periodically and to renew that periodically in five or seven years would entail checking, retrofitting, assessing your electrical, structural, foundational, and even your plumbing permits given when the construction was being done,” aniya.

Sa pagdinig nitong Martes, Pebrero 14 ng Senate Committee on Public Works, inirekomenda ni Tolentino ang proposal na ito upang maiwasan ang matinding epekto kung sakaling yanigin ng malakas na lindol ang Metro Manila katulad ng sa Turkey at Syria.

Sa ilalim ng National Building Code of the Philippines, ang occupancy permit, o kilala bilang certificate of occupancy, ay inilalabas at inaaprubahan ng opisina ng building official bago ito patirahan. RNT/JGC