OCD: 167 lugar sa S. Luzon, Visayas apektado sa shearline

OCD: 167 lugar sa S. Luzon, Visayas apektado sa shearline

January 12, 2023 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hanggang ngayon ay nakalubog pa rin sa tubig baha ang nasa 167 mga lugar na nasa area ng Southern Luzon at Visayas.

Ito ang Inihayag ni Diego Agustin Mariano, head ng joint information center ng Office of the Civil Defense sa Laging Handa public briefing sa harap ng nararanasang Low Pressure Area o LPA, 380 km East ng Surigao City.

Sinabi ni Mariano na mayorya ng mga nananatiling lugar na lubog sa tubig baha ay nasa Region 8, habang mayroon din sa Region 9, Region 6, 3, 5, Mimaropa maging sa BARMM.

Kung pag-uusapan aniya ay mga apektadong pamilya, ito ay nasa 106, 961 na kumakatawan sa higit 438,000 mga indibidwal.

Sa kasalukuyan, nasa 2, 1 44 na mga pamilya ang nasa iba’t ibang mga evacuation centers na apektado ng shearline sa mga naturang rehiyon.

Samantala, kabilang rin sa mga naging apektado ang Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, Negros Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte at ang Dinagat Islands. Kris Jose