OCD relief ops, ‘di apektado ng airport technical glitch

OCD relief ops, ‘di apektado ng airport technical glitch

January 2, 2023 @ 10:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na walang relief operations para sa mga lugar na apektado ng ulan at pagbaha ang apektado ng “technical issues” ng air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Linggo.

“The relief operations of OCD in areas affected by the shear line were not disrupted as the relief items were transported via land transportation from DSWD (Department of Social Welfare and Development) and other private partners, and via sea assets of the Philippine Navy,” pahayag nito.

Gayundin, inihayag ng OCD na ang huling air mission nito para sa ongoing relief efforts para sa shear line affected communities ay noong Dec. 30 gamit ang Philippine Air Force (PAF) transport aircraft.

“The last air mission in connection with the transport of assistance to the affected areas was on December 30, 2022 via C-295. As of reporting time, we have no pending or scheduled air transport mission with the PAF,” dagdag nito.

Subalit, sinabi ng OCD patuloy nitong binabantayan ang insidente. Sa kasalukuyan ay apektado ng CAAP “technical issues” ang halos 288 flights patungo at galing Manila at tinatayang 56,000 pasahero. RNT/SA