OCD sa publiko: Makilahok sa nationwide earthquake drill

OCD sa publiko: Makilahok sa nationwide earthquake drill

March 7, 2023 @ 5:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makiisa sa nationwide earthquake drill sa Huwebes.

Sa Facebook post, sinabi ng OCD na isasagawa ang earthquake drill mula alas-2 ng hapon sa Marso 9.

Hinihikayat ang mga makikilahok mag- “duck, cover, and hold” sa Huwebes ng hapon.

Bahagi ang quarterly earthquake drill ng paghahanda ng bansa para sa malakas na lindol sa Metro Manila na tinaguriang “The Big One.”

Magdudulot ang tinatawag na Big One — o ang magnitude 7.2 na lindol na tatama sa Metro Manila — sa hindi bababa sa 52,000 pagkasawi at 500,000 injuries, ayon sa pag-aaral ng risk assessment at consultancy firm na PSA Philippines Consultancy Inc. na inilathala noong 2019. RNT/SA