OCTA: COVID-19 average daily attack rate ng NCR bumaba sa 5.98

OCTA: COVID-19 average daily attack rate ng NCR bumaba sa 5.98

August 30, 2022 @ 4:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Itinuturing na ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR) na mababa sa 5.98 per 100,000 population, ayon sa independent monitoring group OCTA Research nitong Martes.

Tumutukoy ang ADAR sa average number ng bagong COVID-19 cases sa isang period kada 100,000 indibidwal.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na itinuturing na mababa ang ADAR na mas mababa sa 6 batay sa metrics.

Nitong Agosto 22, ang NCR ay may ADAR na 7.32 per 100,000 individuals.

Samantala, ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases sa NCR ay bumaba rin sa 19%, base kay David.

Gayndin, bumulusok ang reproduction number sa 0.95.

Reproduction rate refers to the number of people infected by one case. A reproduction number

Bumaba rin ang one-week positivity rate sa rehiyon sa 12.7% nitong Agosto 25.

Nananatili naman ang healthcare utilization rate sa 33.3%, habang ang intensive care unit (ICU) occupancy ay mababa rin– 25.8%. RNT/SA