OCTA: COVID-19 growth rate sa labas ng NCR Plus bumibilis

OCTA: COVID-19 growth rate sa labas ng NCR Plus bumibilis

January 20, 2022 @ 7:19 AM 7 months ago


MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagbagal ng coronavirus growth rates sa Metro Manila at kalapit-probinsya, patuloy namang bumibilis ang hawaan sa ibang syudad sa bansa, ayon sa  OCTA Research Group.

“While growth rates have slowed in NCR Plus, they are still accelerating in many HUCs (highly urbanized cities) outside NCR Plus,” ani OCTA Research fellow Guido David sa social media post.

Kabilang ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa tinatawag na NCR Plus.

Sa datos, mula Enero 12 hanggang 18 ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila ay nasa 10%, habang nasa 2.07% na ang naitatalang reproduction rate sa rehiyon sa parehong panahon, mula sa dating lagpas 5%.

Habang kinilala ng OCTA ang ilang mga syudad na bumibilis ang hawaan kabilang ang Tacloban, Cebu, Davao, Baguio, Iloilo, Cagayan de Oro, at Zamboanga na lagpas 100% ang naitatalang growth rate, dagdag pa ng OCTA. RNT