OCTA: COVID-19 positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas sa 2.4%

OCTA: COVID-19 positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas sa 2.4%

January 30, 2023 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 2.4% ngayong Biyernes, ayon sa independent monitoring group OCTA Research nitong Linggo.

Idinagdag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang positivity rate, o porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sinuring indibidwal, saĀ  NCR ay tumaas mula 2.0% noong January 26, sa 2.4% nitong January 27.

Ang positivity rate sa rehiyon ay nasa 2.5% noong January 20.

ā€œWe will monitor this over the next few days to see if the trend continues upward,ā€ saad sa tweet ni David.

Nananatili ang NCR bilang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga kaso sa nakalipas na 14 araw sa 858, na sinundan ng Calabarzon sa 433, Western Visayas sa 256, Central Luzon sa 216, at Davao Region sa 196. RNT/SA