OCTA: COVID cases sa NCR nag-peak na pero infection wave sa Pinas aabot ‘gang Setyembre

OCTA: COVID cases sa NCR nag-peak na pero infection wave sa Pinas aabot ‘gang Setyembre

August 24, 2022 @ 6:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tapos na ang COVID-19 peak sa Metro Manila is over, subalit ang pagsirit ng mga kaso sa bansa ay hindi pa matatapos dahil sa pagdami ng mga kaso sa bansa, ayon sa OCTA Research nitong Miyerkules.

“Based on the numbers we are seeing, the peak is over in the National Capital Region,” pahayag ni OCTA Research fellow Guido David.

“It occurred first week of August,” aniya. “So now we are seeing a two-week decline from the first week up until now. But (the wave) has not yet peaked in other provinces.”

Sinabi pa ni David na naitala sa bansa ang negative growth rate sa nakalipas na dalawang linggo. Ang kasalukuyang current growth rate ay nasa -17%, na nangangahulugan sa pag-unti ng mga kaso.

Ayon pa sa OCTA fellow, mas mahaba ang COVID-19 wave sa bansa at maaaring umabot hanggang katapusan ng Setyembre.

“What factors contributed to that? It could be waning immunity, low levels of booster coverage, or it could be other subvariants that are coming in the country,” dagdag niya.

Iginiit ni David na kahit na manatili ang Metro Manila na una sa listahan ng mga rehiyon na may bagong COVID-19 cases, bumababa na ang mga kaso ng sakit sa rehiyon, maging sa Calabarzon at Pampanga.

Subalit, maaaring ilang araw pa bago mag-peak ang mga kaso sa mga lugar na malayo sa NCR. RNT/SA