OCTA: COVID ICU utilization sa Capiz pumalo sa 71.4%; NCR HCUR umabot na sa 36.5%

OCTA: COVID ICU utilization sa Capiz pumalo sa 71.4%; NCR HCUR umabot na sa 36.5%

August 2, 2022 @ 1:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumaas sa mahigit 70% ang intensive care unit (ICU) utilization para sa COVID-19 sa Capiz nitong Linggo, habang ang healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region (NCR) ay tumaas din sa 36.5%, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.

Sa tweet ni OCTA fellow Dr. Guido David nitong Martes, makikita sa datos na na ang ICU occupancy rate sa Capiz ay malaki ang itinaas sa loob ng isang linggo mula sa 42.9% nitong Hulyo 24 sa 71.4% nitong Hulyo 31.

Tumaas din ang HCUR ng lalawigan mula sa 34.1% sa 44.6% sa parehong period.

Samantala, tumaas ang HCUR sa NCR mula za 31.7% nitong Hulyo 24 sa 36.5% nitong Linggo. Subalit, bahagyang bumaba ang ICU occupancy nito mula sa 27.3% sa 26.9% sa parehong period.

Sinabi rin ni David na ang HCUR sa probinsya ng Bohol at Iloilo, maliban sa Iloilo City, ay pumalo na sa 59.5% at 56.1%.

Base sa Department of Health (DOH), tunutukoy ang HCUR sa aggregate ng utilization ng ICU, isolation beds, at mechanical ventilators.

Inihayag ng DOH nitong Lunes na 744 severe at critical cases ang naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19 hanggang nitong Hulyo 31.

Sa 2,583 ICU beds, 601 o 23.3% ang okupado. Samantala, 6,505 o 29.5% ng 22,051 non-ICU COVID-19 beds ang ginagamit.

Nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 24,100 bagong COVID-19 mula Hulyo 25 hanggang 31, 2022, na mas mataas nang 24% kumpara sa mga kasong naiulat noong nakaraang linggo. RNT/SA