OCTA: Metro Manila papuntang low risk na sa COVID

OCTA: Metro Manila papuntang low risk na sa COVID

January 31, 2022 @ 7:07 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na makamit ng National Capital Region ang “low risk” COVID-19 classification sa susunod na dalawang linggo, ayon sa pagtataya ng OCTA Research.

Ito ay kung mapananatili ng rehiyon ang patuloy na pagbaba ng naitatalang arawang hawaan sa virus, dagdag pa ng grupo.

“NCR could improve to low risk within two weeks if downtrend continues,” ani OCTA fellow Guido David.

Ang komentong ito ni David ay matapos mapasailalim na ang Metro Manila sa  Alert Level 2 simula Pebrero 1 hanggang Pebrero 15.

Bago pa man ang anunsyo ng gobyerno, nauna nang sinabi ng OCTA na ang NCR, Cavite, at Rizal ay “moderate risk” na sa COVID-19. RNT