OCTA nagbabala sa Delta variant; healthcare system maaapektuhan ‘pag kumalat

OCTA nagbabala sa Delta variant; healthcare system maaapektuhan ‘pag kumalat

June 24, 2021 @ 7:30 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang OCTA Research fellow sa posibleng epekto ng COVID Delta variant sa medical system oras na kumalat ito.

“Sakaling pumasok siya, dudurugin niya ho talaga yung ating healthcare system po…Biglang tataas yung number of new cases ho kasi napaka-infectious niya,” pahayag ni OCTA Research fellow Ranjit Rye sa media briefing.

Giit nito, walang lugar ang pagiging panatag sa ngayon.

Kailangan aniyang bilisan ang COVID-19 vaccination at ipagpatuloy ang paghihigpit sa border controls gayundin ang pagpapalakas ng testing, contact tracing, at isolation strategies upang hindi kumalat ang nasabing variant.

Sa ngayon ay may 17 Delta variant case ang Pilipinas. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •