OCTA nagbabala vs ‘severe’ Omicron outbreak sa NCR

OCTA nagbabala vs ‘severe’ Omicron outbreak sa NCR

January 13, 2022 @ 5:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nananatiling “severe” ang Omicron outbreak sa Metro Manila, kung saan tatalong highly-urbanized cities (HUCs) sa Pilipinas ang kasalukuyang nasa ilalim ng “mature stage” ng surge, batay sa isanf OCTA Research fellow nitong Huwebes.

Sa isang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na umabot na sa 111.80 ang average daily attack rate (ADAR) sa Metro Manila.

Tumutukoy ang ADAR sa bilang ng bagong kasong naitatala sa isang lugar sa loob ng dalawang linggo

Samantala, nasa “mature stage” naman ng outbreak ang Baguio City, Angeles City, at Santiago, na nakapagtala ng ADARs na 39.48, 26.65, at 25.23. RNT/SA