OCTA: NCR COVID-19 positivity rate bumaba sa 13.1%

OCTA: NCR COVID-19 positivity rate bumaba sa 13.1%

December 22, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region sa 13.1% noong Disyembre 20, ayon sa independent group OCTA Research nitong Huwebes.

Batay sa tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate sa NCRay bumaba mula 14.5% noong December 13 sa 13.1% nitong December 20.

Tumutukoy ang positivity rate sa porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga tinest na indibidwal.

Sinabi rin ni David na ang reproduction number, na tumutukoy sa bilang ng mga taong nahahawa mula sa isang kaso, ay  by bumaba rin sa 0.91 sa NCR. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na bumabagal ang pagkalat ng virus.

“The 7-day average of new cases decreased from 447 to 404, a growth rate of -10%,” ani David.

Nakapagtala ang Department of Health nitong Miyerkules ng 823 bagong COVID-19 cases, dahilan upang pumalo sa 4,058,465 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas. RNT/SA