OCTA: NCR COVID positivity rate sumipa sa 11.1%

OCTA: NCR COVID positivity rate sumipa sa 11.1%

November 28, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 11.1%, habang tumaas din ito sa iba pang lugar sa Luzon, ayon sa datos ng independent monitoring group OCTA Research nitong Linggo.

Iniulat ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang NCR positivity rate — o porsyento ng mga indiidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa test — ay umakyat mula sa 7.5% noong Nobyembre 19, sa 11.1% ngayong Nobyembre 26.

Gayundin, ang positivity rates sa iba pang mga lalawigan sa Luzon gaya ng Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, at Pangasinan ay tumaas.

Naitala sa Isabela ang highest positivity rate sa Luzon na 44.4%, mula sa 49.4% noong Nobyembre 19.

Bumaba naman ang positivity rate sa 12 lugar sa Luzon sa parehongperiod. Kabilang dito ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Nakapagtala sa Pilipinas nitong Linggo ng 1,326 bagong COVID-19 cases—ang ika-limang sunod na araw na mahigit 1,000 bagong kaso ang naiuulat. RNT/SA