OCTA: Pagkalat ng COVID sa NCR bumabagal

OCTA: Pagkalat ng COVID sa NCR bumabagal

July 12, 2022 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posibleng ang COVID-19 wave sa National Capital Region ay malapit na sa peak dahil sa pagbaba ng weekly growth rate, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Martes.

Sinabi ni David na posibleng ang COVID-19 wave sa rehiyon ay umabot na sa peak, dahil umano sa pagbaba ng growth rate mula 57% noong Hulyo 4 sa 32% nitong Lunes.

Aniya, ang positivity rate ay 10.9% hanggang nitong Linggo.

“The indicators show a slowing down of the growth rate in cases and there is a chance that cases in the NCR are peaking or have already peaked,” pahayag ni David.

“The trends should be clearer after a week. The seven-day average in cases in the NCR was 710 as of July 11, equivalent to an ADAR (average daily attack rate) of 4.93% per day per 100,000,” dagdag niya.

Samantala, sinabi rin ni David na ang healthcare utilization rate sa rehiyon ay tumaas sa 28% habang 20% ng COVID-19 ICUs sa Metro Manila ang okupado. RNT/SA