OCTA: Pagtaas ng PH COVID cases ‘very possible’ sa muling pag-arangkada ng klase

OCTA: Pagtaas ng PH COVID cases ‘very possible’ sa muling pag-arangkada ng klase

August 9, 2022 @ 4:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Posibleng tumaas pa ang COVID-19 cases sa bansa sa pagbabalik ng in-person classes, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Martes.

Sa kabila nito, iginiit ni David na hindi niya inirerekomenda ang pagbabawal sa mga bata na muling bumalik sa mga paaralan dahil sumasailalim na sila sa remote learning sa loob ng mahigit dalawang taon dahil sa pandemya.

Inilahad din niya na ang mga batang nasasapul ng COVID-19 ay karaniwang asymptomatic o may mild symptoms lamang.

“We have to set expectations talaga na it’s very possible na magkakaron ng pagtaas ng bilang ng kaso kapag nagbalik sa eskwelahan ang mga bata,” ani David.

“Hindi naman natin sinasabi na ‘wag natin [sila] ibalik sa eskwelahan kasi more than two years na nakakulong sila. Affected ‘yung ating quality of education at ‘yung schooling ng mga bata, ‘yung social life nila so, kailangan ibalik natin,” dagdag niya.

Kasado na ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22 at matatapos sa Hulyo 7, 2023. RNT/SA