OCTA Research: Arawang COVID cases sa Metro Manila umakyat na sa 900

OCTA Research: Arawang COVID cases sa Metro Manila umakyat na sa 900

March 5, 2021 @ 2:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumalo na sa 900 bagong COVID cases ang average ng naitatala sa Metro Manila kada araw sa nagdaang linggo, batay sa OCTA Research group.

Sa pinakabagong monitoring report, sinabi ng mga eksperto na tumaas ang  reproduction number sa Metro Manila ng hanggang 1.47 habang ang positivity rate  average naman ay nasa pitong porsyento.

“While the South African SARS-CoV-2 B.1.351 variant was identified in Pasay, it is not yet known how prevalent the variant is in the NCR,” punto pa ng eksperto.

Sa kabila ng pagtaas sa kasong naitatala araw-araw, nananatili naman ang hospital occupancy sa capital region sa 41%. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •