Octa Research dismayado sa ‘underreported’ COVID-19 cases

Octa Research dismayado sa ‘underreported’ COVID-19 cases

July 28, 2022 @ 5:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng think tank Octa Research nitong Huwebes na isama ang mga positibong resulta mula sa antigen tests sa tally ng  pamahalaan ng coronavirus cases, at iginiit na ang hindi pagbilang sa mga ito ang sanhi ng “underreported” COVID-19 cases.

Kinumpara ni Prof. Guido David ang testing sa Metro Manila, na umabot na sa 100,000 mula sa nakaraang surge, sa 300 noong Delta surge nitong Agosto 2021, at400 sa unang Omicron surge noong Enero.

“Currently, testing has not risen above baseline levels of 100, as more people are using antigen tests. The number of cases is under-reported,” pahayag ni David sa Twitter.

Ipinaliwanag pa ni David sa isang forum kasama ang ibang health experts nitong Huwebes, na incidental lamang ang RT-PCR tests “for people traveling, coming into the country, getting tested in hospitals before undergoing procedures,” habang mas marami ang nagsasagawa ng antigen tests.

Nauna nang ihayag ng Department of Health (DOH) na hindi nito binibilang ang mga resulta ng antigen tests sa daily tally. Tanging RT-PCR tests lamang ang kasama sa official COVID-19 numbers.

“We’re not saying there should be more testing necessarily since there is antigen testing being conducted, but we are hoping that data from antigen tests could be incorporated at least into the numbers being reported,” ani David.

Nauna nang sabihin ng DOH na ang rason kung bakit hindi nito binibilang ang antigen testing ay dahil hindi lahat ng positibong resulta ay maituturing na kwalipikado para mapabilang sa official case count, at sinabing karaniwan na ang false positives sa antigen testing.

Hanggang nitong Miyerkules, ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay sumampa na sa 3,760,488 nationwide, kung saan 27,754 ang active cases, 3,672,040 ang gumaling at 60,694 na ang nasawi. RNT/SA