OCTA sa gobyerno: ‘Set of triggers’ itakda sa balik-mandatory facemask

OCTA sa gobyerno: ‘Set of triggers’ itakda sa balik-mandatory facemask

September 13, 2022 @ 9:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang OCTA Research group sa gobyerno na magtakda ng ‘set of triggers’ para sa muling pagbabalik ng mandatory face mask policy kapag nagkaroon muli ng pagsirit ng COVID cases sa bansa.

Nauna nang nagpahayag ang grupo na suportado nila ang pagtatanggal ng mandatoryong pagsusuot ng face mask sa labas na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“In OCTA we believe that any change in policy should be grounded in science and based on ensuring public health and safety for all. To this end OCTA has suggested to government through channels that a set of milestones to be achieved first as a prerequisite to the lifting of the outdoor mask mandate such as increasing booster rates etc. as well as defining a set of triggers to reimpose the use of masks outdoors should a serious surge in cases happen,” panawagan ng OCTA.

Nauna rito, inihayag ng Malacañang na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naglabas ng Executive Order No. 3 (EO) na nagpapahintulot sa opsyonal na pagsusuot ng maskara sa labas.

Sinabi ng OCTA na patuloy nitong susubaybayan ang estado ng COVID-19 sa bansa at hinikayat din nito ang publiko na lumahok sa pagbabakuna at booster program ng gobyerno. RNT