OCTA sa gov’t: Pagbabakuna paigtingin nang maiwasan ang COVID ‘ripple effect’ sa labas ng MM

OCTA sa gov’t: Pagbabakuna paigtingin nang maiwasan ang COVID ‘ripple effect’ sa labas ng MM

May 31, 2021 @ 8:20 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng research group OCTA ang gobyerno na paigtingin pa ang vaccination rollout upang maiwasan ang posibleng ‘ripple effect’ ng coronavirus disease (COVID-19) surge sa Metro Manila at iba pang rehiyon.

“Minsan kasi kapag nagkakaroon ng surge sa NCR [National Capital Region] nagkakaroon ng ripple effect o parang umaabot sa mga probinsya. Hindi agad agad umaabot, mga one to two months,” lahad ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.

“May cycle nga yan. Parang nagkakaroon ng ripple effect napupunta sa probinsya pero eventually baka bumalik na naman sa NCR kaya importante talaga matutukan natin yung ating vaccination. Mapuputol yung cycle na yan kung talagang mapadami natin yung vaccination,” dagdag pa nito.

Sa pinakabagong datos ng OCTA, bahagyang tumaas ang reproduction rate mula 0.5 sa 0.68 sa nagdaang linggo.

“Nakikita rin nating yung pagbagal ng pagbaba. Hindi naman nagbago this week kumpara sa mga nakaraang linggo in terms of quarantine restrictions,” lahad ni David. RNT/FGDC