OCTA umaasa sa mababang kaso ng COVID sa Pasko

OCTA umaasa sa mababang kaso ng COVID sa Pasko

October 2, 2022 @ 10:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, umaasa pa rin ang OCTA Research Group na bababa ang bilang ng mga nahahawaan ng sakit pagsapit ng Pasko.

Kung babalikan, nakapagtala ng pagtaas sa seven-day positivity rate ang National Capital Region mula sa 17.5% noong Setyembre 21 ay lumobo ito sa 18.9% noong Setyembre 28.

Bumaba naman ang reproduction number at bumagal rin ang growth rate sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

“I am hopeful that we will have a merry Christmas. Key issue is how to reduce the transmission rate, and I think the government has changed its policy and left it to the individual to make his own choices and assess the risk,” ani OCTA founder Ranjit Rye sa isang pulong balitaan.

Umaasa ito na sa kabila ng pagbabalik ng face-to-face classes, decreased immunity at opsyonal na pagsusuot ng face mask sa labas ay bababa pa rin ang mga kaso ng COVID-19.

Nagpaaalala naman si Rye na kahit may mandato na ng optional na pagsusuot ng face masks ay mainam na patuloy pa rin isuot ito upang mapigilan ang mas matindi pang hawaan ng sakit. RNT/JGC