OCTA: ‘Very high’ COVID-19 positivity rate naitala sa 14 lugar

OCTA: ‘Very high’ COVID-19 positivity rate naitala sa 14 lugar

July 31, 2022 @ 2:15 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang 14 na lugar ng above 20% o “very high” COVID-19 positivity rates sa nakalipas na linggo, habang ang sa National Capital Region (NCR) ay tumaas sa 15%, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.

Sa isang tweet nitong Linggo, ipinakita ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ang datos kung saan ang Albay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales ay nakapagtala ng mahigit 20% one-week positivity rate hanggang nitong Hulyo 29.

Tumutukoy ang positivity rate sa porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na na-test.

Sinundan ito ng Tarlac (31.6%), Laguna (30.9%), Camarines Sur (28.4%), Quezon (27.5%), Zambales (27.2%), Cavite (27.1%), Nueva Ecija (25.8%), Albay (25.4%), Pampanga (23.2%), Cagayan (22.7%), Rizal (21.7%), Pangasinan (21%), at La Union (20.9%).

Samatala, bahagyang tumaan ang NCR’s one-week positivity rate sa NCR mula sa 14.2% nitong Hulyo 23 sa 15% nitong Hulyo 29.

Nakapagtala ang Pilipinas nitong Sabado ng 3,996 bagong COVID-19 cases, kung saan 33,509 sa bilang na ito ay mga aktibong kaso. RNT/SA