Odette lumakas pa; Signal No. 2 itinaas sa 2 lugar sa Mindanao

Odette lumakas pa; Signal No. 2 itinaas sa 2 lugar sa Mindanao

December 15, 2021 @ 11:35 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Lumakas pa si Severe Tropical Storm Odette at ngayon ay nasa kategoryang typhoon na dahilan para itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa dalawang lugar sa Mindanao, Miyerkoles.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, ang dalawang lugar na nasa TCWS No. 2 ay:

  • eastern portion ng Surigao del Norte (Claver, Siargao and Bucas Grande Islands)

  • Surigao del Sur

Habang nakasailalim naman sa TCWS No. 1 ang:

  • Sorsogon,

  • Masbate including Ticao Island,

  • southern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose)

  • Eastern Samar,

  • Northern Samar,

  • Samar,

  • Leyte,

  • Biliran,

  • Southern Leyte,

  • Bohol,

  • Cebu,

  • Negros Oriental,

  • Negros Occidental,

  • Siquijor,

  • Iloilo,

  • Capiz,

  • Aklan,

  • Antique

  • Guimaras

  • Agusan del Sur,

  • Agusan del Norte,

  • Nalalabing bahagi ng Surigao del Norte,

  • Dinagat Islands,

  • northern portion ng Bukidnon (Malitbog, Impasug-Ong, Sumilao, Manolo Fortich, Libona, Baungon),

  • Misamis Oriental,

  • Camiguin,

  • northern portion ng Misamis Occidental (Plaridel, Baliangao, Sapang Dalaga), at

  • northern portion ng Zamboanga del Norte (Dapitan City, Sibutad, Rizal, La Libertad, Dipolog City)

Nitong 10 a.m., ayon sa PAGASA, na namataan ang mata ng Typhoon Odette sa layong 590 km east ng Hinatuan, Surigao del Sur.

May bitbit itong lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa sentro, bugsong aabot sa 150 km/h, at central pressure na 975 hPa. RNT