Odette nakapasok na ng Pinas; 15 lugar, Signal No. 1

Odette nakapasok na ng Pinas; 15 lugar, Signal No. 1

December 15, 2021 @ 7:00 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility si Bagyong “Odette”, Martes ng gabi, kung saan lumakas pa ito, at itinaas ang Signal No. 1 sa 15 lugar, ayon sa PAGASA, Miyerkoles ng umaga.

Hanggang nitong 4 a.m., namataan ang sentro ni Severe Tropical Storm Odette sa layong 735 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur,

May bitbit itong lakas ng hangin na 110 kilometers per hour malapit sa sentro, at bugsong aabot sa 135 kph, ang central pressure ay 980 hPa.

Tinatahak ni Odette ang direksyong pa-west northwest direction sa bilis na 25 kph.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa:

Visayas

  • Northern Samar

  • Eastern Samar

  • Samar

  • Biliran

  • Leyte

  • Southern Leyte

  • Bohol

  • northern at central portions ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Tabuelan, Tuburan, Asturias, City of Carcar, Pinamungahan, San Fernando, Toledo City, City of Naga, Balamban, Minglanilla, Cebu City, City of Talisay, Consolacion, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Cordova) including Bantayan and Camotes Islands

 

Mindanao

  • Dinagat Islands

  • Surigao del Norte

  • Surigao del Sur

  • Agusan del Norte

  • Agusan del Sur

  • Camiguin

  • eastern portion ng Misamis Oriental (Magsaysay, Gingoog City, Medina, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Salay, Jasaan, Balingasag, Lagonglong, Binuangan, Claveria, Villanueva, Tagoloan)

Ibinabala ng PAGASA ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan mula Miyerkoles hanggang Huwebes sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

Mula naman Huwebes hanggang umaga ng Biyernes, asahan na ang malakas na ulan sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, the northern portion of Surigao del Sur, Agusan del Norte, the northern portion of Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, Southern Leyte, Bohol, Negros Oriental, at Cebu.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Leyte, southern portion ng Eastern Samar, Siquijor, at nalalabing bahagi ng Caraga.

Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Light to Bicol Region, Zamboanga del Norte, Oriental Mindoro, Romblon, at nalalabing bahagi ng Visayas at Northern Mindanao. RNT