#OdettePH: Kuryene sa 110 barangay sa Southern Leyte naibalik na

#OdettePH: Kuryene sa 110 barangay sa Southern Leyte naibalik na

January 31, 2022 @ 3:51 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naibalik na ang kuryente sa 110 mula sa 500 barangay sa Southern Leyte na nasalanta ng bagyong Odette.

Base sa Southern Leyte Electric Cooperative (Soleco), may kuryente na ang 36,016 bahay at establisimyento mula sa 105,787 naapektuhan.

β€œAs of this posting, 21.87 percent of villages are already partially energized within the coverage area of Soleco. Per consumer status, 34.05 percent are already energized,” lahad ng Soleco.

Partikular na ang mga lugar ng Maasin City, Macrohon, Padre Burgos, Tomas Oppus, Bontoc, Sogod, Liloan, Saint Bernard, San Juan, Hinunangan, at Silago.

Habang wala pa ring kuryente ang Malitbog, Libagon, San Francisco, Pintuyan, San Ricardo, Anahawan, Hinundayan, at Limasawa.

Samantala, inaasahan naman na maibabalik ang kuryente sa lahat sa mid-February. RNT/FGDC