Official Gazette mobile app pinasinayaan ng PCO

Official Gazette mobile app pinasinayaan ng PCO

February 28, 2023 @ 2:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilabas na ang mobile app version ng Official Gazette ng bansa.

Inilunsad ang main publication ng pamahalaan, na pinangangasiwaan ng Presidential Communications Office, ang app nitong Lunes para bigyan ang publiko ng “convenient access to government issuances and announcements.”

Kabilang dito ang mga kopya ng batas, executive orders, at mga proklamasyon.

Libre ang nasabing app at maaaring i-download sa Apple Store o Google Play Store.

Nilikha ang Official Gazette alinsunod sa Act No. 453 at Commonwealth Act No. 638.

Iniimprenta ito at maaari ring mabasa online sa website nito. RNT/SA