Official Lineup ng Nat’l Team Creamline sa Grand Prix, inilabas

Official Lineup ng Nat’l Team Creamline sa Grand Prix, inilabas

September 2, 2022 @ 5:07 AM 1 month ago


MANILA –- Inilabas na ng Creamline Cool Smashers ang kanilang official lineup para sa pagsabak nila sa nalalapit na 2nd ASEAN Grand Prix sa Thailand.

Noong Huwebes, ibinaba ng Philippine national team ang 14-woman lineup ng Cool Smashers sa international event, na binandera ng beteranong setter na si Jia Morado at PVL MVP Tots Carlos.

Kasama sina Morado at Carlos sa mga manlalaro na unang sumabak sa 2022 AVC Cup for Women kung saan sila ay nagtapos sa ikaanim na puwesto.

Muling kakatawanin ang bansa nina sina Kyla Atienza, Michele Gumabao, Ella de Jesus, Fille Cayetano, Risa Sato, Rosemarie Vargas, Celine Domingo, Pau Soriano, Jema Galanza, Kyle Negrito, Jeanette Panaga, at Rizza Mandapat.

Samantala, ang volleyball star na si Alyssa Valdez ay hindi makakalahok sa torneo dahil nagpapagaling pa sa dengue.

Magsisimula ang Grand Prix sa Setyembre 9 kung saan makakalaban ng Pilipinas ang Thailand, Vietnam, at Indonesia.

Una nang kinumpirma ni Creamline head coach Sherwin Meneses at setter Morado ang kanilang partisipasyon noong Lunes, pagkatapos ng kanilang huling laro sa AVC Cup for Women.

Sa AVC Cup, kinailangan ni Meneses na gumawa ng ilang mga pagbabago sa kung paano mapupunan ang kawalan ni Valdez sa Cool Smashers, kapansin-pansing inilipat si Carlos sa open hitter position habang binibigyan si Gumabao ng utility spot.

Ang kumpetisyon ay unang ginanap noong 2019, ngunit nahinto dahil sa pandemya ng COVID-19 sa sumusunod na dalawang taon.JC