Official Twitter account ng UP na-hack!

Official Twitter account ng UP na-hack!

April 26, 2022 @ 7:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng University of the Philippines (UP) na napasok ng hacker ang official Twitter account nito Lunes ng gabi.

Sa isang Facebook post, sinabi ng unibersidad na na-hack ng “unknown users” ang kanilang Twitter account na @upsystem na mayroong 207,000 followers.

“Since then, the account has been renamed and has posted content not affiliated with the University,” ang pahayag ng UP.

Pinalitan umano ang pangalan ng account at ginawang “Takashi Murakami,” na isang Japanese artist.

Inilagay din ang lokasyon ng bio nito sa Tokyo habang ang inalis ang display at header photos.

Pero dakong alas 5:30 ng gabi nitong Martes, naibalik na ang orihinal na bio ng account gayundin ang larawan.

Wala pa namang inilalabas na statement ang UP kasunod ng naturang development.

Una nang sinabi ng unibersidad nan ang dahil sa hacking incident, hindi naipaabot sa kanilang Twitter followers ang ilang mahahalagang anunsyo, balita at iba pang online content. RNT/ JCM