Offshore DavOr ginising ng M-5.6 quake

Offshore DavOr ginising ng M-5.6 quake

August 3, 2022 @ 7:00 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Naitala ang magnitude 5.6 lindol sa offshore Davao Oriental ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang tectonic quake kaninang alas-3:19 ng madaling araw.

Ang epicenter nito ay nasa 07.13°N, 126.99°E – 051 km S 79° E ng munisipalidad ng Manay sa Davao Oriental at may lalim na 20 km.

Unang naiulat ng Phivolcs ang lindol na may intensity na magnitude 5.8, subalit ibinaba ito sa magnitude 5.6.

Naitala ang Intensity IV sa mga munisipalidad ng Manay, Tarragona, at Caraga sa Davao Oriental.

Samantala, naitala ang Intensity III sa lungsod ng Mati at munisipalidad ng Baganga sa Davao Oriental.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Davao City.

Walang inaasahang pinsala subalit posibleng magkaroon ng aftershocks, ayon sa Phivolcs. RNT/SA