OFW AT MALING GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (1)

OFW AT MALING GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (1)

November 18, 2022 @ 11:25 AM 1 week ago


SA nakaraang column natin ay matinding pagpuna ang aking ginawa sa pahirap na requirements ng Philippine Statistics Authority sa pagtatama ng gender sa birth certificate.

Sa “Sumbungan ng Bayan” segment sa 24 oras ng GMA 7 ay lumantad ang isang babaeng overseas Filipino worker na ang pangalan ay Crystil Maturan. Kanyang hinaing ay hindi niya ma-renew ang kanyang passport nag-expire noong 2020 dahil sa maling entrada sa birth certificate niya na ‘male’ sa halip na ‘female’.

Sabi niya, pinasa na niya ang lahat ng requirements sa Civil Registry ng Bohol. At naipasa na rin ang petition ni Crystil sa PSA. Pero lumipas na ang mahabang panahon ay hindi pa rin naaprubahan ang correction of entry sa gender.

Tuloy nanganganib ang OFW na mawalan ng trabaho sa Spain. Tinulungan ng GMA at sa pinalabas na segment ayon sa tagapagsalita ng PSA ay hindi umusad ang petition dahil ang nag-file raw ay ang ina ni Crystil! Ha?!

Aba’y bakit hindi sinabi agad sa kababayan natin na OFW yun? Kung hindi pa dahil sa GMA ay hindi malalaman ang dahilan ng problema.

Depensa naman ng PSA na pwede raw na si Crystil ang mismong mag-file dahil pinapayagan na raw ng PSA ang Migrant Petition mula pa noong Marso 2022. Kaya pwede na!

Pero kapag pinanuod ninyo ang tagapagsalita ay napakarami pa ring proseso na daraanan para itama ang GENDER ng isang OFW.

Tanong – bakit hindi man lang inabisuhan si Crystil na mag-migrant petition siya? Pangalawa, 2020 nag-expire yung passport at March 2022 epektibo yung Migrant Petition. ‘Yung haba ng panahon na yun ibig sabihin ba na walang remedyo ang OFW na i-correct ang entry sa birth certificate at kailangan gumastos pa na bumalik ng bansa para siya mismo ang mag-apply?

Yun ang dahilan bakit nanay ni Crystil ang nag file ‘on behalf od her daughter, dahil noon ay wala pang MIGRANT PETITION! At ano ba ang diperensya kung nanay niya ang nag-file ng petition to correct the gender? (May Karugtong)