OFW AT MALING GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (2)

OFW AT MALING GENDER SA BIRTH CERTIFICATE (2)

November 19, 2022 @ 11:36 AM 2 weeks ago


YUN ang dahilan bakit nanay ni Crystil ang nag file ON BEHALF OF HER DAUGHTER, dahil at that time wala pang MIGRANT PETITION! At noon nagkaroon na ng march 2022 bakit hindi man sinabi kay Crystil ito! At ano ba and diperensya kung nanay niya and nag-file ng petition to correct the gender?

REQUIREMENTS KUMPLETO

‘Yan ang pahirap sa policies na dapat mawala sa mga ahensya natin. Imbes na bawasan ang ‘di na kailangang requirements dinadagdagan pa!

Tingnan din ang requirement na medical certificate from an ACCREDITED DOCTOR na hindi ka nagpa-sex change o transplant na isang requirement sa correction of gender. Aba! Halimbawa na lang si Crystil kailangan pa ba niya magpa-doctor para patunayan na babae siya? Tingnan na lang siya sapat na! Pero para sa PSA required ang medical certificate na hindi siya nagpa-sex transplant. Marami na daw kasi ang nagpas-ex transplant kaya nire-require nila!

Aba’y PSA mali. Dahil sa ginawa n’yong requirement ang inyong assumption ay NAGPA- SEX CHANGE YUNG TAO! Hindi ba dapat in case of doubt saka tanungin kung nagpa-sex change ang tao? Ilan yun kung ihahambing sa hindi nagpa-sex change para gawin mong general requirement? Nanganak na ng limang beses kailangan mo pa ng doctor certificate na hindi siya nagpa-sex change!

Ang nais lang ng katulad ni Crystil at ng daan-daan libong pareho niya ang problema AY MADALING SOLUSYON SA PAGTAMA NG GENDER SA BIRTH CERTIFICATE. Hindi pahirap policy. Kung ang petition ay SEX RE-ASSIGMENT saka kayo mag-require pero hindi pa ito pinahihintulutan ng batas. Ilan pa ang tulad ni Crystil ang may ganitong problema? Padaliin ang requirements para mawala ang mga fixer na ugat ng korapsyon sa inyong mga ahensya.

Atty. Ariel Inton, President, Lawyers for Commuters Safety and Protection. 09178174748