OFW Hospital, bubuksan na sa Labor Day

OFW Hospital, bubuksan na sa Labor Day

April 24, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang sa Labor Day sa Mayo 1 ay magiging operational na rin ang kauna-unahang Overseas Filipino Workers Hospital sa San Fernando City sa Pampanga.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Sivestro Bello III, Sa ilalim nito ay libre ang mga serbisyong pangkalusugan para sa employment ng mga OFW kabilang ang medical certificate at laboratory exams.

Ilang serbisyo rin ang iaalok nang libre para sa mga kaanak ng mga OFW pero pinaplantsa pa ang guidelines para rito.

“All OFWs, kung mayroon silang sakit kasama ang kanilang legal dependents, will be treated in this hospital for free,” saad ng kalihim.

Ang paglikha sa OFW Hospital ay alinsunod sa Executive Order 154.

Samantala, kamakailan lang nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementing rules and regulations (IRR) ng transition committee ng Department of Migrant Workers (DMW).

December 2021 nang maisabatas ang paglikha sa DMW na layong magbigay ng proteksyon sa mga OFW at gawing madali ang pagproseso sa kanilang mga dokumento.

Tungkulin din ng DMW na dalhin sa mga regional at provincial offices ang mga pangunahing serbisyo para sa mga OFW nang sa gayon ay hindi na nila kakailanganing magtungo sa central office ng POEA at iba pang attached agencies nito sa Metro Manila para maglakad ng mga dokumento. RNT/ JCM