OFW Hospital kulang sa mga nars

OFW Hospital kulang sa mga nars

October 7, 2022 @ 2:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang administrator ng OFW Hospital sa City of San Fernando, Pampanga ng karagdagang 200 nars dahil kulang na kulang umano ang ospital upang maayos na mapatakbo ang pasilidad na inilaan lamang para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.

Ayon sa administrator ng pagamutan na si Dr. Dante Datos, isang malaking hamon sa kanila ang kakapusan sa medical staff para ito ay mapatakbo ng maayos.

“May panawagan po kami sa tulong ng Department of Labor [and Employment] na maglathala na kukuha kami ng nurses na mga hanggang 200 po ang kailangan namin,” saad ni Dator sa Teleradyo.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 52 nurses ang ospital, 25 sa kanila ay mga dati ring OFWs.

Sinabi ni Datos na mayroong 100-bed capacity ang ospital na nagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga OFW at kanilang mga dependents.

Matatandaan na binuksan ang pagamutan noong nakaraang Mayo. Jocelyn Tabangcura-Domenden