OFW na may COVID-19, nasa 9,627 na; 5,730 nakarekober

OFW na may COVID-19, nasa 9,627 na; 5,730 nakarekober

August 6, 2020 @ 9:07 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kabuuang 9,627 kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa ulat.

Sa kabila nito ay 5,730 naman ang kabuuang nakarekober sa virus.

Nauna na ring iniulat ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay ang unang kumpirmadong kaso ng Pinoy sa Libya.

Kasalukuyang 3,202 Pinoy ang nasa ilalim ng gamitan kung saan 260 sa Asia Pacific; 504 sa Europe; 2,298 sa Middle East/Africa; at 140 sa America.

“With various issues and unprecedented concerns faced by our nationals abroad due to Covid-19, the DFA remains steadfast in promoting and protecting the welfare of our fellow Filipinos, whenever and wherever possible,” lahad ng PNA. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...